17 pang mga Pinoy sa abroad, na-infect ng COVID-19

17 na mga Pilipino sa ibayong-dagat ang panibagong tinamaan ng COVID-19.

Wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong gumaling at wala ring bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 16,423 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na na-infect ng COVID-19.


Sa nasabing bilang, 5,314 pa ang patuloy na nagpapagaling.

10,060 naman ang kabuuang gumaling at 1,049 ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments