17 patay, 40 sugatan sa pagbagsak ng C130 ng PAF sa Sulu

Labingpito (17) na ang kumpirmadong nasawi sa pagbagsak ng C130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Sulu.

Sa statement mula kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang mga nasawi ay mula sa 92 sakay ng eroplano.

Aabot naman sa 40 ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa isang military hospital sa Busbus, Sulu.


Galing sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City ang eroplano at magla-landing sana sa Jolo airport sa Sulu nang bigla itong bumagsak dakong alas 11:30 kaninang umaga.

Nagpapatuloy pa ang search at rescue operation kasunod ng insidente.

Facebook Comments