Pasok ang 17 Pilipino sa listahan ng mga bilyonaryo sa mundo ngayong taon.
Batay sa Forbes’ Billionaires 2021 List, nasa 2,755 billionaires mula sa iba’t ibang panig ng daigdig ang kasama.
Ang property tycoon na si Manny Villar ang pinakamayamang Pilipino sa listahan sa loob ng tatlong magkakasunod na taon na nasa ika-352 pwesto.
Si Villar ay may net worth na nasa $7.2 billion, na lumobo pa mula sa $5.6 billion noong 2020 sa harap ng pandemya.
Pagmamay-ari ni Villar rang Vista Mall, Vista Land & Landscapes, Golden Bria, at AllHome Corporation.
Ang iba pang Pilipinong pasok sa naturang listahan ay sina:
- Enrique Razon, Jr. (561st) – $5 billion net worth; may-ari ng International Container Terminal Services Inc. at operator ng Solaire Resort & Casino.
- Lucio Tan (925th) – $3.3 billion net worth; founder ng LT Group.
- Hans Sy (1,008th) – $3 billion net worth; anak ni Henry Sy at director ng SM Prime Holdings Inc.
- Herbert Sy (1008th) – $3 billion net worth; anak din ni Henry Sy at adviser ng SM Investements Corporation
- Andrew Tan (1,008th) – $3 billion net worth; chairperson ng Alliance Global Inc.
- Harley Sy (1,174th) – $2.7 billion net worth; anak ni Henry Sy; executive director ng SM Investments at China Banking Corporation at adviser ng BDO.
- Henry Sy Jr. (1,174th) – $2.7 billion net worth; panganay na anak ni Henry Sy Sr.; co-vice chairman ng SM Investments, chairman ng SM Prime at nagtayo ng Big Boss Cement.
- Teresita Sy-Coson(1,174th) – $2.7 billion net worth; anak ni Henry Sy; co-chairman ng SM Investments; at chairperson ng BDO Unibank.
- Elizabeth Sy (1,299th) – $2.4 billion net worth; anak ni Henry Sy; adviser ng SM Investments
- Tony Tan Caktiong (1,299th) – $2.4 billion net worth; founder at chairperson ng Jollibee Foods Corporation
- Ramon Ang (1,444th) – $2.2 billion net worth; president at vice chairman ng San Miguel Corporation
- Inigo Zobel (2,141st) – $1.4 billion net worth; pinsan ni Jaime Zobel de Ayala
- Lance Gokongwei (2,378th) – $1.2 billion net worth; anak ni John Gokongwei Jr.; chief executive ng JG summit
- Roberto Ongpin – (2,378th) -$1.2 billion net worth; chairman ng Alphaland Corporation
- Ricardo Po Sr. (2,524th) – $1.1 billion net worth; founder ng Century Pacific
- Edgar Sia II (2,524th) – $1.1 billion net worth; chairperson ng DoubleDragon Properties; may-ari ng grocery chain na MerryMart.
Ang nangunguna sa listahan ay si Jeff Bezos ng Amazon na napanatili ang kanyang posisyon sa apat na magkakasunod na taon na may net worth na nasa $177 billion.
Tumalon sa pangalawang pwesto si Elon Musk mula sa ika-31 pwesto noong nakaraang taon.