17 Pinoy repatriates mula sa Israel, dumating na sa bansa

Bago mag-alas-4:00 ngayong hapon dumating sa bansa ang 17 unang batch ng Filipino repatriates mula sa Israel.

Kasama sa dumating ang isang sanggol na batang lalaki na anak ng isang Pinay caregiver sa Israel.

Karamihan sa dumating na Pinoy repatriates ay wala nang balak na bumalik sa Israel.


Ito ay bagama’t tumatanggap anila sila ng sahod na ₱70,000 hanggang ₱100,000.

Ayon kay Maribeth Umaguing, pagod na sila sa katatakbo sa tuwing tumutunog ang sirena na sinyales na may missile na tatama sa Israel.

Aniya, hirap na hirap sila sa pagtakbo mula sa ikatlong palapag patungo sa basement kung saan naroon ang bomb shelter na kanilang tinutuluyan.

Ang mga dumating na repatriates ay sinalubong ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Social and Welfare Development, Department of Health gayundin sina Senator Raffy Tulfo at OFW Party-list Rep. Marissa Del Mar.

Ang repatriates ay tumanggap ng tulong pinansyal mula sa mga ahensya ng pamahalaan at scholarship program para sa kanilang mga anak.

Facebook Comments