Nag-donate ng dugo para sa mga pasyenteng kritikal sa COVID- 19 ang 17 police trainees mula sa Regional Special Training Unit (RSTU) 3.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Training Service Director Police Brigadier General Alex Sintin, ang mga nag-donate ng dugo para sa convalescent plasma therapy ay mga miyembro ng Public Safety Field Training Program (PSFTP) na gumaling na sa COVID- 19.
Sinabi ni Sintin, ginawa nila ang pag-donate sa pagtutulungan ng Regional Special Training Unit (RSTU) 3 Advisory Council, Philippine Red Cross, National Action Plan against COVID-19, at Clark Development Corporation.
Una nang nakakolekta ng anim na bag o tatlong litro ng plasma mula sa anim na police trainee noong July 29 at 30, 2020 sa Jose Lingad Hospital sa San Fernando City.
Sinundan ito ng 11 bag o 5.4 na litro ng convalescent plasma na nakolekta mula sa 11 police trainees sa Philippine Red Cross-National Headquarters sa Port Area, Manila noong August 4 at 5.
Sinasabi ng mga eksperto ang plasma mula sa mga gumaling na sa COVID-19 ay napatunayang nakakatulong para ma-improve ang kalagayan ng mga kritikal na pasyente ng COVID-19.