Nagsara ang higit 70 pribadong paaralan sa Western Visayas kasunod ng pagbubukas ng klase noong August 22.
Batay ito sa datos ng Department of Education (DepEd) kung saan sa 76 na pribadong paaralan na nagsara ay 59 ang pansamantala lamang na nagsara habang 17 paaralan ang permanente nang isinara.
Ayon sa DepEd, ilan sa mga dahilan ng pagkakasara ng mga ito ay ang mababang bilang enrollees at problema sa gastusin.
Handa naman ang mga pampublikong paaralan upang tumanggap ng mga estudyante mula sa nagsarang paaralan.
Una nang sinabi ng DepEd na nasa 425 na pribadong paaralan sa buong bansa ang permanente nang nagsara.
Facebook Comments