Kinumpirma ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na 17 sa 36 na pulis na napawalang sala sa Maguindanao massacre ang otomatikong makakabalik sa serbisyo.
Paliwanag ni Banac ang 17 pulis na ito ay nakakulong ngayon at ang kanilang status ay leave of absence without pay ibig sabihin sa buong panahong nakakulong sila ay wala silang sweldo kaya walang ibabalik na sweldo ang PNP.
Hindi na rin kailangang i-apply ng 17 pulis na ito ang pagbabalik serbisyo dahil otomatikong gagawin ito ng PNP para sa kanila.
Sinabi pa ni Banac na hindi naman agad otomatikong balik serbisyo ang iba pang pulis na acquitted sa kaso dahil mayroon pa silang existing na kasong kinakaharap.
Sa desisyon ng korte 62 pulis ang akusado sa kaso 36 ang napawalang sala, out of 36 PNP personnel 17 ang otomatikong balik sa serbisyo.
Sasailalim naman sa transformation and retraining ng PNP ang 17 pulis na otomatikong balik serbisyo.