17 REBELDE, NAKASAGUPA NG MILITAR SA CAGAYAN; 2 NPA, PATAY

CAUAYAN CITY – Mahigpit na pinag-iingat ngayon ng mga awtoridad ang mga residente sa bayan ng Peñablanca, Cagayan matapos na makasagupa ng tropa ng militar ang nasa 17 rebelde na miyembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) sa Sitio Pallay, Barangay Baliuag.

Sa ulat ng 502nd Infantry – Liberator Brigade, dalawa (2) sa mga terorista ang binawian ng buhay sa nangyaring sagupaan.

Gayunman, hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang operasyon upang tugisin ang natitirang miyembro ng nabanggit na grupo ng mga rebelde na tumakas matapos ang engkwentro.


Sa ngayon ay inaalam din kung may casualties sa kampo ng 502nd Infantry “Liberator” Brigade at ng PRO2/Cagayan Police Provincial Office (CPPO).

Facebook Comments