17 sa mahigit 3,000 na Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa Qatar, binawian ng buhay

Kinumpirma ng Philippine Overseas Labor Office o POLO Sa Qatar na 17 sa 3,052 OFWs sa nasabing bansa na nagpositibo sa COVID-19 ang binawian ng buhay.

Tiniyak ng Labor Department na nakatutok sila sa kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs na tinatamaan ng COVID-10 sa abroad.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, tuloy ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga PInoy sa abroad na naapektuhan ng pandemya.


Kinumpirma rin ng POLO sa Spain na 100 Filipinos ang minomonitor doon ngayon, 85 dito ang naka-recover, may dalawang nagnegatibo na sa sakit, pitong iba pa ang nananatiling positive habang anim ang naitalang nasawi sa mga OFWs doon.

Walo namang OFWs ang naka-recover sa France at anim ang nasawi habang sa Germany, 80 OFW na ang gumaling sa COVID-19 at pito sa Belgium.

11 OFWs din ang naitalang positibo sa COVID-19 sa Taiwan.

Nilinaw naman ng POLO sa Taiwan na lahat ng mga OFW na manggagaling sa Pilipinas ay hindi na kailangang isailalim sa swab test pagdating sa airport doon maliban na lamang kung mayroong sintomas.

Tiniyak din ng POLO na libre ang gastos sa OFWs na kinakailangang isailalim sa quarantine sa Taiwan.

Facebook Comments