Manila, Philippines – Sugatan ang labing pitong tao sa karambola ng siyam na sasakyan sa bahagi ng Commonwealth, Tandang Sora sa Quezon City, alas 9:30 kagabi.
Ito’y matapos na mawalan ng preno ang isang pampasaherong bus.
Binabagtas noon ng Fermina Express na may plate number na A-B-D 7-7-0-2 ang Commowealth Avenue papuntang Fairview nang salpukin nito ang Renan Transit na nagsasakay at nagbababa ng pasahero.
Dahil naka-stop ang traffic light, nadamay rin sa banggaan ang dalawang pampasaherong jeepney, limang private vehicles at isang motorsiklo.
Dinala ang 17 tao sa East Avenue Medical Center, lima sa Quezon City General Hospital, at isa sa sa Amang Rodriguez Hospital sa Marikina.
Inaalam pa rin ng mga otoridad kung bakit sinalpok ng Fermina ang mga nakahintong sasakyan.