17 tauhan ng DOJ-WPP, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na 17 pang tauhan ng Department of Justice (DOJ) partikular sa Witness Protection Program (WPP) ang nagpositibo sa COVID-19.

Ang nasabing bilang ay bukod pa aniya sa 17 na unang nagpositibo kahapon.

Ayon kay Guevarra, ang mga bagong nagpositibo ay nagmula aniya sa iisang gusali lang at pawang asymptomatic maliban lang sa isa.


Nilinaw rin ni Guevarra, ang mga nasabing personnel ay hindi naka-assign sa safehouses ng WPP.

Sa ngayon, nasa 45 pa ang aktibong kaso ng mga kawani ng DOJ at ito ay nakakaalarma na.

Pinag-aaralan na rin ng kalihim ang pagpapalawig sa lockdown na pinaiiral ngayon sa DOJ maliban na lamang kung mapipigilan ang pagtaas ng kaso.

Facebook Comments