17 terorista sa Central Mindanao, nagbalik-loob na rin sa pamahalaan

Tuloy tuloy ang pagsuko ng mga terorista sa Central Mindanao.

Sa katunayan ayon kay Maj. Gen. Steve Crespillo, Commander ng Western Mindanao Command, nagbalik-loob sa pamahalaan ang 17 mga local terrorists.

Sa nasabing bilang, 6 dito ang mga nalalabing kasapi ng sub-group Nanding ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction.


Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng M14 rifle, 2 Grenade Launchers, 2 Rocket Propelled Grenade Launchers at 1 9mm Uzi.

Habang ang 11 Daulah Islamiyah-Maguid Group personalities ay sumuko naman sa 1st Mechanized Brigade sa Camp Leono, Kalandagan, Tacurong City kung saan isinurender din nila ang kanilang mga high powered firearms.

Kasunod nito, umaasa si Gen. Crespillo na mas madami pang rebelde ang magbabalik-loob sa pamahalaan.

Facebook Comments