Nakapagtalaga ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 17 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Kabilang rito ang apat na volcanic tremor events na tumagal ng isa hanggang dalawang minute at 13 low-frequency volcanic earthquakes.
Nagbuga rin ang bulkan ng usok na umabot sa 900 metro ang taas.
Ayon sa PHIVOLCS, nangangahulugan ito na mayroong magmatic intrusion sa main crater ng bulkan na maararing magresulta ng mga pagsabog.
Samantala, nasa 1,232 toneladang sulfur dioxide naman ang naitala ng ahensya noong Sabado.
Muli namang iginiit ng PHIVOLCS ang pagpapalikas sa mga residente ng Barangay Bilibinwang at Banyaga sa bayan ng Agoncillo gayundin sa mga barangay ng Boso-boso, Gulod at Bugaan East sa bayan ng Laurel dahil nananatili silang high-rsik sa mga aktibidad ng bulkan.
Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.