17 Wanted Persons sa Region 2, Nalambat ng PNP

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naaresto ng mga alagad ng batas ang labimpitong Wanted Persons sa Lambak ng Cagayan sa isinagawang magkakahiwalay na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng pulisya sa rehiyon.

Nag-umpisa ang dalawang araw (Abril 9-10, 2021) na SACLEO ng pulisya na kung saan ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) ay nakahuli ng labing-isang personalidad sa paglabag ng iba’t-ibang panukalang batas kabilang na ang Frustrated Homicide; Attempted Murder; tig-dadalawang (2) magkakahiwalay na kaso ng Panggagahasa, Sexual Assault at paglabag sa Republic Act 9262; tatlong (3) magkakahiwalay na kaso ng Child Abuse; at Illegal Logging.

Nakapagtala naman ang Cagayan PPO at Nueva Vizcaya PPO ng tig-tatlong (3) pag-aresto ng Wanted Person sa kani-kanilang nasasakupan sa mga kasong Attempted Homicide o tangkang pagpatay; Illegal Recruitment; pamemeke ng pampublikong dokumento; pangagahasa; paglabag sa Republic Act 9165 o paggamit at pagbenta ng ilegal na droga; at paglabag sa Presidential Decree 704 o Illegal Fishing.


Kaugnay pa rin sa isinagawang SACLEO, labing-tatlong magkakahiwalay na operasyon ukol sa paglabag ng Special Laws ang naitala ng PRO2 sa Lambak ng Cagayan.

Ang mga isinagawang operasyon ng pulisya ay base sa bisa ng mandamiyento de aresto na inilabas ng korte.

Naghayag naman si Police Brigadier General Crizaldo Nieves, Regional Director ng PRO2 ng kanyang papuri sa matagumpay na SACLEO ng pulisya at muling hinikayat ang buong kapulisan na ipagpatuloy ang pinaigting na kampanya kontra kriminalidad, ilegal na droga at terorismo sa Rehiyon Dos.

Facebook Comments