Tuesday, April 7, 2026

170 Filipino Umrah pilgrims, nananatiling stranded sa Saudi Arabia

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Jeddah na 170 pang Filipino Umrah pilgrims ang stranded ngayon sa Saudi Arabia.

Sa harap pa rin ito ng flight cancellations bunga ng nagpapatuloy na giyera sa Middle East.

Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, dumulog na sa kanila ang 170 stranded pilgrims at kanila na itong tinutulungan.

Ilan naman sa Pinoy pilgrims ang nakauwi na sa Pilipinas matapos makahanap ng alternatibong paraan para makalabas ng kaharian.

Tiniyak naman ng Ministry of Hajj and Umrah na sa April 18, 2026 ay makakaalis na ng Saudi Arabia ang mga apektadong Umrah pilgrims.

Facebook Comments