Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong sulat na ipinadala sa Central Postal Office na naglalaman ng mahigit kumulang sa 170 gramo ng ketamine tablets na may street value na P850,000.
Pinangunahan ng PDEA NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Force, Bureau of Customs (BOC) at PhilPost – Inspectorate Department ang pagsasagawa ng physical examination sa naturang illegal na droga.
Ang ketamine ay kabilang sa mga dangerous drugs sa ilalim ng R.A 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.
Nakapangalan ang mga ipinadalang liham kina Jenny Rodriguez, Ray Villarin, at Angeline Sumayang.
Facebook Comments