Umaabot na sa 170 na mga medical frontliners sa Maynila ang tumanggap na ng unang dose ng bakuna ng Pfizer kontra COVID-19.
Ayon sa Manila Local Government Unit (LGU), ang nasabing bilang ay mula kaninang tanghali matapos simulan nila ngayong araw sa Santa Ana Hospital ang pagbabakuna ng Pfizer.
210 doses ng Pfizer ang ipagagamit sa medical frontliners mula sa anim na district hospitals ng Maynila.
Ang Maynila ay isa sa mga lungsod sa Metro Manila na napiling pagkalooban ng unang batch ng Pfizer na dumating sa bansa nitong Martes.
Nakakuha ang Maynila ng 1,170 vials, o katumbas ng 7,020 doses ng bakuna ng Pfizer.
Facebook Comments