170 PERATORS NG FISH CAGES SA DAGUPAN CITY, NABIGYAN NG PERMIT TO OPERATE

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Aabot sa 170 operators ng fish cages sa lungsod ng Dagupan ang nabigyan ng permit to operate ng lokal ng pamahalaan.

Ang mga ito ay mula sa dalawang island barangay na kinabibilangan ng Pugaro at Lomboy. Una ng nagkaroon ng inspeksyon ang Task Force Bantay Ilog sa mga naturang fish cages maging ang evaluation ng mga ito para sa Rehabilitation and Management of Dagupan City River System.

Ayon kay City Administrator at City Agriculture Office OIC Vladimir Mata, nakipag-usap ang mga ito sa mga mangingisda ng lungsod ukol sa Aquaculture Operations River System at aplikasyon upang makakuha ng Aquaculture Lease Agreement mula sa kanilang tanggapan.


Mensahe naman ng Alkalde ng lungsod sa mga operators na ingatan ang nasasakupang ilog upang patuloy na mapagkunan ng pangkabuhayan at magamit ng susunod na henerasyon.

 

| via Idol Ella Garcia/ifmdagupan

Facebook Comments