17,000 tauhan ng PNP, itatalaga sa pagtiyak ng seguridad ngayong summer vacation

Magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng 17,000 na mga tauhan para tiyakin ang seguridad ngayong panahon ng summer vacation.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na maliban sa 17,000 mga pulis, mayroon pang 42,000 force multipliers at volunteers ang tutulong sa pulis para magbantay.

Sinabi pa ni Fajardo na maglalagay sila ng mga police assistance desk sa mga pangunahing kalsada at iba’t ibang tourist destination sa bansa.


Aniya pa na sa 17,000 pulis na ide-deploy, 5,000 ang itinalaga bilang tourist police na magsasagawa ng foot at bike patrol sa mga dinadagsang pasyalan gaya ng Boracay.

Facebook Comments