170,000 vaccinators, kailangan ng pamahalaan para sa 3-day National Vaccination Day

Tinatayang nasa 170,000 vaccinators ang kailangan ng pamahalaan para sa gaganaping tatlong araw na National Vaccination Day sa katapusan ng Nobyembre.

Ayon kay National Vaccination Operation Center (NVOC) Dr. Keiza Rosario, para ito sa target na 200,000 vaccinator na kailangan sa buong bansa.

Kabilang dito ang mga; doktor, nurses, dentista, pharmacist, at mga medical technologist.


Puspusan naman ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa iba’t ibang medical association sa bansa.

Kabilang dito ang pakikipag-usap sa national level patungo sa regional, hanggang sa mga lokal na pamahalaan upang mapaigting ang gawain.

Nabatid na limang milyon kada araw simula November 29 hanggang December 1, ang target ng NTF Against COVID-19 na mabakunahan.

Facebook Comments