Matagumpay na naiuwi ng Philippine Consulate General sa Macau ang 171 overseas Filipinos na kabilang sa nakapag-avail ng repatriation program ng gobyerno.
Ayon kay Philippine Consul General to Macau SAR Porfirio M. Mayo, Jr., umabot na sa 4,757 overseas Filipinos ang nakapag-avail ng repatriation program simula noong March ng nakaraang taon.
Ayon sa konsulada, magpapatuloy ang kanilang gagawing repatriation sa lahat ng overseas Filipino sa Macau habang hindi pa nagbubukas ang regular commercial flight pauwi sa Pilipinas.
Tiniyak din ni Consul General Mayo na patuloy na nakaalalay ang consulate’s team sa mga pasahero sa airport para sa kanilang flight.
Dagdag pa ni Mayo sa ilalim ng Resolusyon Blg .144-A s.2021 ng Inter-Agency Task Force (IATF), ay hindi na kailangan ang quarantine para sa fully vaccinated na overseas Filipinos na may negatibong resulta sa kanilang RT-PCR test sa loob ng 72 oras mula sa bansang pinagmulan pauwi ng Pilipinas.