79 na nationals, hawak ng NBI matapos salakayin ang isang factory sa San Jose del Monte Bulacan

Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang isang isang factory sa San Jose del Monte Bulacan na nagresulta sa pagkahuli sa may 79 na Chinese.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, 36 sa mga Chinese ay dokumentado, 23 ay may hawak na tourist visa habang inaalam pa ang estado ng iba pa.

Nakatakdang dalhin ang mga Chinese ngayon sa NBI headquarters at ipepresenta ni Director Santiago sa media.


Hindi pa malinaw kung ang pagsalakay ay may kinalaman pa rin sa iligal na POGO.

Facebook Comments