173 barangay sa Pasay City, COVID free na

41

Good news dahil umabot na sa 173 barangay sa lungsod ng Pasay ang COVID-19 free na.

Batay ito sa datos ng Pasay City Information Office ngayong araw, June 15, 2021.


Bukod dito, nadagdagan din ang mga Pasayeno na gumaling na sa COVID na umabot na sa 13,988 matapos madagdag sa bilang ang sampu ngayong araw.

May kabuuang bilang naman ng confirmed cases na 14,425 makaraang madagdag ang 14 na kaso ngayong araw.

Sa bilang ng confirmed cases, 50 ang active cases.

Panawagan naman ng Pasay Local Government Unit (LGU) sa kanilang mga constituent na kailangan pa rin ang kooperasyon at pakikiisa ng lahat para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19



Manatili na lamang daw sa loob ng bahay kung walang importanteng kailangan gawin.

Facebook Comments