175 illegal POGO sites, ginalugad ng NBI at PNP para ipasara ayon sa DOJ

Nagsasagawa na ng pagsasara ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa 175 mga iligal na POGO operators sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Justice (DOJ) assistant Secretary Mico Clavano na ipinag-utos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang paggalugad sa mga opisina ng 175 mga illegal POGO operators at agad ikandado.

Sinabi ni Clavano ang bilang na ito ng illegal POGO operators ay hanggang nitong September 14, 2022 mula sa listahang ibinigay sa kanila ng PAGCOR habang patuloy pa aniyang inaalam kung ilan talaga ang legal na nag-o-operate na POGO sa bansa.


Kasama sa iniimbestigahan ng mga awtoridad ay ang iba’t ibang krimen na kinasasangkutan ng ilang Chinese nationals tulad ng murder, kidnapping at prostitution, laban sa mga kapwa nila Chinese POGO employees.

Aniya, ayaw daw ni Justice Secretary Crispin Remulla na umabot pa sa punto na mismong mga Pilipino ang maging biktima pa ng ganitong uri ng krimen na kinasasangkutan ng ilang Chinese nationals.

Kaya naman ang direktiba aniya ni Secretary Remulla ay siguruhin ang seguridad ng mga Pilipino at mailayo sa panganib na ginagawa ng ilang dayuhang nasa bansa.

Facebook Comments