
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Personal Security Detail (PSD) Chief Police Col. Liza Macapinlac na nasa 175 na mga Philippine National Police (PNP) personnel ang naapektuhan ng Bagyong Basyang sa bansa.
Ayon kay Macapinlac, ang mga nasabing naapektuhang pulis ay mula sa Police Regional Office (PRO) 10 at 13.
Tiniyak naman ng PNP na mabibigyan ng financial assistance ang mga nasabing naapektuhang myembro ng kanilang hanay.
Kaugnay nito, wala namang naitalang opisina o estasyon ng PNP ang nasira dahil sa bagyo.
Samantala, ayon pa kay Macapinlac, wala ring naitalang looting o insidente ng krimen sa kasagsagan ng nasabing pananalasa ng Bagyong Basyang.
Facebook Comments










