176 bangkay sa punerarya sa Bilibid, huwag munang lagyan ng malisya – senador

Pinayuhan ni Public Order and Dangerous Drugs Committee Chairman Ronald “Bato” dela Rosa ang publiko na huwag munang lagyan ng malisya ang natagpuang 176 na bangkay na naipon lang sa isang punerarya sa Muntinlupa City.

Ayon kay Dela Rosa, posibleng mangyari na sadyang hindi binalikan ng mga pamilya para kunin ang bangkay ng mga “Person Deprived of Liberty” (PDL) dahilan kaya naipon lang sa funeral home na accredited ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga nasawi.

Hindi aniya nakapagtataka ito dahil kung noong buhay pa ang mga PDL ay hindi nga binabalikan ng kanilang mga kapamilya, ano pa ngayon na patay na ang mga ito.


Ilan pa sa mga dahilan ay karaniwang kabilang sa pinakamahihirap na sektor ang mga PDL kaya gustuhin mang kunin ng pamilya ang bangkay ay hindi nila magawa dahil pamasahe pa lang ay kulang na kaya kadalasang nangyayari ay ipinauubaya na lamang ito sa gobyerno.

Samantala, bukas at suportado naman ni Dela Rosa kung may hihiling na ipa-autopsy ang bangkay ng mga Bilibid inmates.

Facebook Comments