
Cauayan City, Isabela — Nagpadala ang Police Regional Office 2 (PRO2) ng 176 na pulis patungong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang magsilbing Special Electoral Boards para sa halalan sa Mayo 12, 2025.
Isinagawa ang send-off ceremony noong Mayo 3 sa PRO2 Grandstand bilang bahagi ng preparasyon para sa ligtas at maayos na eleksyon. Ang mga pulis ay dumaan sa espesyal na pagsasanay ng Commission on Elections (COMELEC) upang ihanda sila sa posibleng hamon sa seguridad sa rehiyon.
Ang mga itinalagang pulis ay magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) sa iba’t ibang bahagi ng BARMM at mananatili roon hanggang Mayo 25, 2025.
Ang deployment na ito ay bahagi ng pambansang hakbangin upang matiyak ang maayos at mapayapang eleksyon sa buong bansa.









