177 bagong kaso ng Delta variant, naitala ng DOH sa Pilipinas

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 177 bagong kaso ng Delta variant sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa 627 ang kabuuang kaso ng Delta variant kung saan ang aktibong kaso ay 13.

Nadagdagan naman ng 102 ang bagong kaso ng Alpha variant na nasa 10,845; 59 sa Beta variant na nasa 2,195; at 14 bagong kaso ng P.3 variant na sumampa na sa 301.


Sa 177 panibagong kaso; 144 ang local infections; 3 ang Returning Overseas Filipinos (ROFs); at 30 ang kasakuluyan pang bineberipika.

Sa 144 local infections, nagmula ang kaso sa;

• 90 sa Metro Manila
• 25 sa Calabarzon
• 16 sa Cagayan Valley
• 8 sa Ilocos Region
• 2 sa Cordillera Administrative Region
• 2 sa Western Visayas
• At 1 sa Davao Region

Facebook Comments