177 mga lugar sa ilang rehiyon sa bansa, lubog pa rin sa baha; ilang kalsada at tulay hindi pa rin madaraanan!

Lubog pa rin sa baha ang ilang mga lugar sa bansa bunsod ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, Bagyong Butchoy at Carina.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga bahang lugar hanggang sa ngayon o 170 flooded areas ay matatagpuan sa Region 3 o Central Luzon, mayruon ding mangilan-ngilang pagbaha na naitala sa BARMM, CAR at Region 10.

Maliban dito mayruon ding naitalang pagguho ng lupa, bumuwal na mga puno at nag-collapsed na mga gusali sa mga nabanggit na rehiyon.


Samantala, sa ulat pa ng NDRRMC, 42 mga kalsada at 6 na tulay ang hindi pa rin madaraanan ng mga motorista hanggang sa ngayon dahil sa baha at pagkasira.

Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa CALABARZON, Metro Manila, Regions 1, 2, BARMM at CAR.

Ilang kabahayan din mula sa Regions 1 at CALABARZON ang nakakaranas pa rin ng power interruption habang lahat naman ng tahanan sa mga rehiyong hinagupit ng bagyo ay naibalik na ang water supply at maayos narin ang lahat ng linya ng komunikasyon.

Lahat din ng pantalan, paliparan at terminal sa bansa ay operational na kung kaya’t wala nang stranded na mga pasahero.

Facebook Comments