Umabot sa1,777 na pulis sa Region 1 ang tumaas ang ranggo sa ilalim ng Regular Promotion ng Philippine National Police.
Kahapon, isinagawa ang Mass Oath-Taking, Donning and Pinning of Ranks sa PRO1 Grandstand, Camp BGen Oscar Florendo, Parian San Fernando City, La Union.
Binubuo ito ng 99 Police- Commissioned Officer at 1,678 Police Non-Commissioned Officers na nakatalaga sa regional headquarters, provincial offices, municipal and city units, at mobile forces.
Sa mensahe ni PRO1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista, binigyang-pagkilala ang kahusayan sa pagseserbisyo ng mga personnel.
Hinimok ng opisyal ang mga newly-promoted uniformed personnels na gawin ang kaakibat na responsibilidad ng bagong ranggo upang makapagbigay serbisyo sa mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨