$178.10 million na public sector foreign borrowing ng Pilipinas, inaprubahan na ng Monetary Board

Inaprubahan na ng policy-setting na Central Bank na Monetary Board ang $178.10 million na public sector foreign borrowing ng Pilipinas para sa ikatlong quarter ng 2022.

Sa inilabas na pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang inaprubahang public sector foreign borrowing nitong July to September ay 96% na mas mababa sa hiniram na bansa sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na nasa $4.66 billion.

Ayon sa BSP, ang pondo ay gagamitin para sa National Government’s (NG) multi-sectoral nutrition project.


Facebook Comments