Batay sa ulat ng Police Regional Office 2, 91 na wanted sa batas kabilang ang sampung Top Most Wanted Person ang kanilang naaresto.
Kabilang rin sa nadakip ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos makumpiskahan ng dalawang gramo ng shabu at 600.30 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na may kabuuang standard drug price na 86,100 pesos.
Bukod pa rito, 44 na katao ang dinakip ng pulisya dahil sa paglabag sa anti-illegal gambling law.
Sa kampanya naman kontra boga, isa ang naaresto at dalawang baril ang nakumpiska ng pulisya habang karagdagang 24 na baril at apat na pampasabog ang narekober sa iba pang police operations.
Sa kampanya kontra illegal logging, 933 board feet ang narekober.
Habang 40 katao ang naaresto kung saan, 39 dito ay lumabag sa RA 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009 at isang paglabag sa RA 9262 o VAWC.
Samantala, apat na CNT, walong NPA sa baryo at 29 CTG supporters ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng pinalakas na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Tiniyak naman ng pulisya na patuloy ang kanilang pag-arangkada kontra kriminalidad, droga at terorismo sa lambak Cagayan.