Umabot sa 178 na pamilya ang pinagkalooban ng tulong pinansiyal ng Quezon City Local Government.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang mga pamilya ay kabilang sa mga nawalan ng trabaho sa panahon ng COVID-19 pandemic sa lungsod.
Mayroon ding solo parents, Persons Deprived of Liberty (PDL) at Person with Disability (PWD).
Aniya, kabilang ang mga ito sa benepisyaryo ng Social Services Development Department (SSDD) at pinagkalooban ng tig-P5,000 sa ilalim ng Small Income Generating Assistance program.
Sa pamamagitan ng pinansiyal na tulong, maaari nilang magamit ito bilang panimula sa kanilang negosyo o pandagdag puhunan sa kanilang kabuhayan.
Sinabi ni Belmonte, sinumang nais maging bahagi ng programa ay maaari lamang makipag-ugnayan sa Vocational Development Division o ‘di kaya ay sa SSDD.