178 volcanic quakes, naitala sa Bulusan Volcano

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 178 na volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay mas mataas sa 149 na pagyanig na naitala kahapon, Hunyo 10.

Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga rin ang bulkan ng 613 na toneladang sulfur dioxide.


Nagkaroon din ito ng katamtamang pagbuga ng mga plumes na may 150 metro ang taas.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 status ang Bulkang Bulusan na ibig sabihin ay mayroong abnormal condition.

Paalala ng PHIVOLCS, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4 kilometer permanent danger zone ng bulkan.

Facebook Comments