Umabot sa 178, 611 ang kabuuang bilang ng mga health workers at authorized persons outside the residence sa Ilocos Region ang naisakay sa libreng sakay sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3.
Ang nasabing bilang ay naitala noong April 20-24 mula sa labing anim na ruta ng libreng sakay.
Layunin ng programang matulungan ang mga operator at driver na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ayon sa mga operator malaking tulong umano ito sa kanila ngayong panahon ng pandemya maging sa mga drayber na nakakapagtabi ng kaunti para sa kanilang pamilya.
Babayaran ng gobyerno ang mga kalahok na operator at driver, base sa bilang ng biyahe na kanilang itinakbo kada linggo. | ifmnews
Facebook Comments