179 na sari-sari store na apektado ng COVID-19 sa San Jose del Monte City sa Bulacan, inayudahan

Abot sa 179 na sari-sari store sa San Jose del Monte City, Bulacan ang tumanggap ng ayuda mula kay Congresswoman Rida Robes.

Ayon kay Congresswoman Robes, sa ilalim ng kaniyang Handog Patnubay Program, tatanggap ng grocery package na nagkakahalaga ng P3000 ang mga natukoy nilangĀ  benepisyaryo sa may 59 na barangay.

Mga small scale na sari-sari store ang mga ito na napili dahil naubusan na nang paninda at wala nang puhunan habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.


Sa isinagawang sugod bahay kanina, sampung sari-sari store agad ang nabigyan ng grocery package.

Idinonate mismo ng Kongresista ang kaniyang unang dalawang buwang sahod upang magamit na ayuda sa kanilang small scale businesses.

Facebook Comments