17th Founding Anniversary ng TOG2-PAF, Ipinagdiwang!

100

*Cauayan City, Isabela-* Ipinagmalaki ni Lt.Col Randy Buena, Commander ng Tactical Operations Group-2 Philippine Air Force (PAF) ang kanyang naging ambag bilang pinuno ng hukbong himpapawid sa loob ng mahigit isang taon bilang bahagi ng kanilang 17th Founding Anniversary.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Lt.Col. Buena, hinihiling nito sa kanyang mga kasamahan na ipagpatuloy pa rin ang kanilang naumpisahan upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa.


Kaugnay nito, maitatalagang bagong pinuno ng Tactical Operation Zamboanga City si Lt. Col. Randy Buena at siya’y papalitan ni Lt. Col. Augusto Padua mula sa Clark, Pampanga na uupo bilang bagong Commander ng TOG2.

Samantala, patuloy naman ang paghikayat ni Lt. Col. Buena sa mga natitirang rebeldeng grupo na magbalik-loob na sa gobyerno.

Facebook Comments