Ito ay mula sa ipinamigay na kagamitan ng Lucio Tan Group of Companies at Jaime Ongpin Foundation.
Ayon kay Teacher-in-Charge Rey Batta, malaking tulong ang naturang kagamitan lalo pa at inaasahan ang muling pagbubukas ng face-to-face classes sa kanilang paaralan.
Makadagdag umano ng power supply ang ibinigay na one set solar panel na siyang magagamit sa iba’t ibang aktibidad.
Habang ang water system naman ay ilalagay sa strategic place malapit sa paaralan upang makakuha ang mga residente ng potable water na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang donasyon ay pinangasiwaan ng 17th Infantry Battalion matapos ang pagtatayo ng silid-aralan sa nasabing paaralan na itinayo ng mga pinagsamang tauhan ng Armed Forces of the Philippines at US Forces bilang bahagi ng Engineering Civic Action Program ng BALIKATAN Exercises 37-2022 Inihayag naman ni LtC Oliver C Logan, Battalion Commander ng 17IB, ang suporta na kanilang natanggap mula sa stakeholder ay para sa mga residente ng Masi alinsunod sa Executive Order no. 70 na naglalayong wakasan ang local communist armed conflict sa pamamagitan ng Whole-of-Nation Approach.
Samantala, pinuri naman ni BGen. Steve D Crespillo, Brigade Commander ng 501st Infantry Brigade ang inisyatibo at pagsisikap ng 17IB na magbigay ng kuryente at pinagkukunan ng tubig para sa mga residente.
Nagpasalamat din ang heneral sa kabutihang-loob ng mga pribadong organisasyon sa kanilang ibinibigay na tulong.