17TH IB, NAMAHAGI NG RELIEF PACKS SA MGA PAMILYANG NASALANTA NG BAGYO

CAUAYAN CITY – Namahagi ang mga kasundaluhan ng 17th Infantry “Do or Die” Battalion ng relief packs sa 114 na pamilya sa bayan ng Rizal, Lasam at Allacapan a lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Lt. Col. Ford G. Alsiyao, Battalion Commander ng 17IB, laging handa ang kanilang hanay na tumulong sa mga mamayang nangangailangan dahil kasama ito sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Matatandaan na isa ang lalawigan ng Cagayan sa mga lubhang nasalanta ng mga magkakasunod na bagyong tumama sa Rehiyon Dos.


Nagdulot ang mga bagyo sa pagkasira ng mga bahay at ekta-ektaryang pananim sa buong lalawigan.

Bukod dito ay hiningi niya rin ang kooperasyon ng mga residente na tumulong na matuloy ang mga kinaroroonan ng iba pang teroristang NPA.

Facebook Comments