Alegasyon na pekeng pagpapasuko at rally, pinabulaanan ng 17th IB!

*Cauayan City, Isabela-* Pinabulaanan ni Lt. Col Camilo Saddam, Commanding Officer ng 17th Infantry Battalion, 5th ID, PA ang lumalabas na alegasyon na umano’y pekeng pagpapasuko at rally sa Sto Niño, Cagayan.

Aniya, nasimulan na noong nakaraang Nobyembre, 2017 ang kanilang CSP sa ilang lugar sa bayan ng Sto Niño at pinapalabas lamang anya ang naturang alegasyon dahil sa positibong resulta ng kanilang isinasagawang Community Support Program (CSP) sa ilang lugar sa Cagayan.

Ito ay dahil na rin umano sa wala ng freedom of movement ang mga NPA sa mga lugar na dating pinagdadausan ng anibersaryo ng mga rebelde.


Layunin lamang anya ng kanilang CSP na ipakita ang kanilang sinseridad na ipaabot sa mamamayan ang mga serbisyo at programa ng ating gobyerno.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga surenderees katuwang ang mga Brgy. Officials at LGU’s hinggil sa mga programang inilaan ng militar at ng gobyerno.

Samantala, kanila ring tututukan ang mga lugar na nabibigyan ng proyekto dahil hirap anya ang mga contractors na makapasok dahil umano sa panggugulo ng mga rebelde.

Facebook Comments