17th Infantry Battalion at CNT’s, Nagkasagupa sa Cagayan!

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng 17th Infantry Battalion matapos ang sagupaan sa Communist NPA Terrorist bandang alas sais y media kaninang umaga, April 21, 2018 sa barangay Masi, Rizal, Cagayan.

Batay sa panayam ng RMN Cauayan kay Captain Jefferson Somera ng 5th ID, Division of Public Affairs Office, nagsagawa umano ng operasyon ang 17TH Infantry Battalion matapos makatanggap ng impormasyon na mayroon umanong armadong grupo na nagre-recruit sa mga residente ng naturang barangay.

Sa kanilang isinagawang operasyon ay nakasagupa nila ang nasa tatlumpong miyembro ng Communist NPA Terrorist o CNTs na umatras rin matapos ang apatnapโ€™ut limang minutong sagupaan.


Narekober sa pinangyarihan ang isang caliber 22, tatlong jungle packs, wires, apat na pirasong IED, isang handheld radio, isang 12 volts na battery, medicine packs at mga dokumento.

Ayon pa kay Captain Somera, naniniwala umano sila na may mga nasugatan sa panig ng CNTs dahil sa bakas ng dugo sa pinangyarihan.

Nagpapasalamat naman ang panig ng mga kasundaluhan dahil walang nasaktan sa mga ito.

Facebook Comments