Nagdesisyon na ang mga organizer ng 17th National Jamboree ng Boy Scouts of the Philippines na ilikas na ang nasa 25 libong partisipante mula sa camp site sa Botolan, Zambales.
Ito ay dahil sa ramdam na ramdam ang epekto ng pananalasa ng bagyong Tisoy
Dahil dito nagpadala ang DPWH, Provincial at Municipal Governments, Phil-Red Cross, at iba pang volunteers ng mga tauhan at sasakyan para i-evacuate ang mga bata patungo sa iba’t ibang school buildings sa lalawigan.
Ang Jamboree ay nagsimula noong December 1 at magtatapos sana sa December 7, pero mula nitong linggo, nahirapan na sila sa mga aktibidad dahil sa mga pag-ulan.
Hanggat hindi natatapos ang pananalasa ng bagyong Tisoy ay hindi muna pauuwiin ang mga Boy Scout na nanggaling pa sa iba’t ibang rehiyon.