17th PESO National Congress, Magsisimula Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela – Punuhan na ang mga hotel rooms dito sa Cauayan City.

Kaugnay ito sa pagdating ng mga delegado mula sa ibat ibang Public Employment Service Office (PESO) offices sa buong bansa upang dumalo sa ika-labinpitong PESO Congress na magsisimula ngayong araw Oktubre 4 hanggang Oktubre 6, 2017.

Sa impormasyong nakuha ng RMN Cauayan News Team mula kay DOLE Region 2 Information Officer Reginald Estocio, mamayang 12:15 ng tanghali, Oktubre 4, 2017 ay pormal na bubuksan ang aktibidad sa presensiya nina Congressman Randolph Ting ng 3rd District ng Cagayan at Congressman Karlo Nograles ng 1st District ng Davao City.


Mayroon ding magaganap ng press conference mamayang 1:00pm sa Hotel Andrea laan sa aktibidad na ito.

Ang naturang pagtitipon ay dadaluhan ng humigit kumulang na 800 na kalahok mula sa buong Pilipinas.

Idadaos ang 17th PESO Congress sa FL Dy Colliseum, Cauayan City na makikita sa Rizal Avenue, Cauayan City na nasa compound mismo ng city hall.

Facebook Comments