18 ahente ng BI na umano’y nangikil sa mga Korean nat’l sa Pampanga, sinuspinde

Pinatawan na ng suspensyon ang 18 ahente ng Bureau of Immigration (BI) na umanoy nangikil ng P9.3 milyon sa 15 Korean nationals sa Angeles, Pampanga noong nakaraang buwan.

Ayon kay anti-corruption commissioner Greco Belgica, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa suspensyon ng mga 18 tauhan ng BI-Intelligence Division.

Una nang sinabi ng mga Koreano na hiningan sila ng pera ng mga tauhan ng immigration na humuli sa kanila kapalit ng kanilang kalayaan.


Sabi pa ni Greco, maliban sa mga Koreano ay nangingikil rin ang mga ito sa iba pang dayuhan na nagtatrabaho sa Pampanga.

Sabi ni Dana Sandoval, tagapagsalita ng BI, maliban sa suspensyon pinawalang bisa na rin nila ang lahat ng mission order ng mga ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Dahil dito, inirekomenda na ng PACC at BI ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Office of the Ombudsman laban sa mga ito.

Facebook Comments