Cauayan City, Isabela- Agad na inilibing kagabi ang bangkay ng isang 18-anyos na babae na hinihinalang tinamaan ng sakit na coronavirus 2019 (COVID-19) mula sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Ayon kay Kagawad Leonard Adam, nakaranas ng hirap sa paghinga ang pasyente hanggang sa bawian ito ng buhay sa isang pagamutan.
Giit nito, kontrolado ang sitwasyon sa buong barangay sa kabila ng may positibong kaso ng virus ang kanilang lugar kaya’t agad din na isinailalim sa isolation facilities ang mga ito.
Agad namang kinuhanan ng specimen sample ang babe para sa pagsasailalim sa swab test para matukoy kung ito ay positibo o negatibo sa virus.
Batay sa health protocol, ang mga may kahalintulad na sintomas ng virus na dahilan ng pagkamatay ng suspected patient ay agad na ililibing.
Ipinag-utos naman sa mga pamilya ng dalawang (2) nagpositibo sa sakit na sumailalim sa strict home quarantine habang patuloy na binabantayan ang kalagayan ng kalusugan ng kanilang kaanak.
Sa kabila nito, hindi naman nagpatupad ng calibrated lockdown sa purok 4-5 ng nasabing barangay dahil tiniyak ng mga opisyal ang kanilang kahandaan ukol dito.