Para sa bucket list: 18-anyos na babae, patay matapos mag-skydiving sa US

908
(Unsplash)

GEORGIA, US – Dahil sa kagustuhang maranasan ang lumipad sa ere, nauwi sa kamatayan ang pagsa-skydive ng isang dalagita kasama ang kanyang instructor.

Sa ulat ng Atlanta Journal-Constitution, isa sa nasa “bucket list” ng 18-anyos na si Jeanna Renee Triplicata ang masubukan ang skydiving bago pumasok bilang freshman sa University of North Georgia ngayong Agosto.


Kaya nitong Linggo, kasama ang kanyang buong pamilya para panoorin si Jeanna, nagtungo ito sa Skydive Atlanta.

Makakasama niya sa pagtalon ang isang instructor na si Nick Esposito, 35.

Nang isagawa ang kaabang-abang na tandem jump, nasaksihan ng lahat kung paano nawalan ng kontrol ang parachute ng dalawa.

Nagpaikot-ikot ang mga ito at bumagsak sa isang bukirin na agad binawian ng buhay.




Ayon kay Sheriff Dan Kilgore, maaaring nagkaroon ng isyu sa parachute ng mga biktima.

Posibleng pumalya sa pagbukas ng tama ang parachute kaya ito nagpagewang-gewang sa kalawakan.

Maging ang kanilang emergency parachute ay hindi rin gumana hanggang sa mahulog ang dalawa.

Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ni Jeanna na ayon sa kanyang ama ay maituturing na “worst day” ng kanilang pamilya.

Facebook Comments