18-anyos na Binata, Huli sa Pagbebenta ng Dried Marijuana

215

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang binata sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. San Antonio, Aparri, Cagayan.

Itinago pansamantala ang pagkakakilanlan ng 18-anyos na suspek,isang ALS Graduate at residente sa nasabing lugar.


Nakumpiska sa suspek ang isang maliit na papel na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, maliit na glass tube na naglalaman ng marijuana, drug paraphernalia at P300.00 na buy bust money.

Nahaharap ang binata sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments