18-anyos na Binata, Patay sa COVID-19

13

9Cauayan City, Isabela- Ibinahagi sa social media ng LGU Asipulo sa Ifugao Province ang naitalang unang kaso ng COVID-19 related death ngayong araw, Abril 7,2021.
Base sa abiso, isang 18-anyos (AS-29) na binata mula sa Barangay Antipolo ang binawian na ng buhay matapos magpositibo sa virus.

Abril 4, dinala sa Panopdopan District Hospital ang pasyente dahil sa kanyang kritikal na kondisyon matapos magpositibo sa sa ginawang antigen test hanggang magpositibo rin ang resulta nito sa RT-PCR test at binawian rin ng buhay.
Kaugnay nito, patuloy ang ginagawang contact tracing sa posibleng nakasalamuha ng pasyente.
Samantala, muli namang ipinaalala ng lokal na pamahalaan sa publiko ang ugaliing pagsunod sa health protocol upang makaiwas sa banta ng COVID-19.


Facebook Comments