18 Anyos na Dalaga, Ginahasa Umano ng Nakilala niya sa Social Media

766

*Cauayan City, Isabela*- Walang awa na pinagsamantalahan ang isang 18-anyos na dalaga sa Brgy. Bangar, Solano, Nueva Vizcaya ng isang lalaki na nakilala lamang niya sa social media.

Itinago ang biktima sa pangalang Lhea, 18-anyos habang ang suspek ay si Mark Santiago, 20-anyos na residente ng Barangay Quezon, Nueva Vizcaya.


Ayon kay P/Maj.Ferdinand Laudencia, hepe ng PNP Solano, dalawang araw pa lang umanong magkakilala sa social media at nagka-chat ang dalawa.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong 2:00 ng hapon kamakalawa ng magpasya ang dalawa na magkita sa isang bahay at nagkayayaan na mag-inuman hanggang sa malasing ang biktima at dito na pinagsamantalahan ng suspek.

Ayon sa salaysay ng biktima, hindi na siya nakapanlaban sa pananamantala ng suspek dahil sa sobrang kalasingan.

Agad naman na nagtungo sa pulisya ang biktima para ireklamo ang panghahalay na ginawa sa kanya ng suspek.

Sa huli, nagpasya ang biktima na iatras ang demanda laban sa suspek sa di mabatid na dahilan.




Nagpaalala naman ang pulisya na ‘wag basta makipagkita sa di kakilala para maiwasan ang anumang insidente.

Facebook Comments