Isang 18-anyos na lalaki ang natagpuang patay matapos magbigti sa kanilang tahanan sa Lungsod ng San Fernando, La Union, sa bisperas ng Pasko.
Ayon sa ulat, noong gabi ng Disyembre 24, natulog ang biktima sa kanyang kwarto.
Nang bandang hatinggabi, pumunta ang lola nito upang gisingin ito para sa Christmas Eve celebration, ngunit hindi ito nakita sa kwarto.
Nang suriin ang palikuran, doon nito natagpuan ang apo na nakasabit gamit ang isang nylon na lubid sa leeg.
Agad na humingi ng tulong ang lola sa mga kapitbahay at nag-report sa San Fernando Police Station.
Dumating ang mga pulis kasama ang ambulansya mula sa City Health Office at Wellness Center, at dinala ang biktima sa Ilocos Training and Regional Medical Center.
Ipinahayag ng doktor na pumanaw ang binata dahil sa asphyxia o pagkakabigti.
Ayon sa imbestigasyon, walang palatandaan ng foul play sa insidente.
Facebook Comments







